Sinasabi nila na hindi kailanman maaring paghiwalayin ang
wika at kultura. Ang dalawang ito ang basehan ng ating pagkakakilanlan bilang
isang Pilipino o kung saan pa mang lahi tayo nagmula. Kung wala ang wika natin,
wala rin namang kultura ang lalaganap sapagkat wika ang nagsisilbing
instrumento upang makagawa ng isang maayos na komunikasyon, isang maayos na
obra maestra sa sining, panitikan at iba pa. Pinagbubuklod buklod ng wika ang
lahat ng tao para mabigyang halaga o ipagpatuloy ang iba't ibang kultura natin.
Ang dapat nating gawin ay payabungin natin ito at pagyamanin, ito ang magiging
isang magandang pananggalang natin sa araw-araw. Hindi mahalaga kung saan pa
tayo nagmula, ang pinakamahalaga ay kung paano natin pahalagahan ang ating
kultura at wika.
-Erica Gwyn Rubio
"Sinasalamin ng wika ang kultura ng isang lahi."
Sa pamamagitan ng wika ay natutukoy natin ang kultura ng mga tao na naninirahan
sa isang lugar. Bilang isang Pilipino na naninirahan sa Pilipinas, ang ating
wikang Filipino ang nagbibigay depenisyon sa mga kulturang Pilipino. Dahil sa
wikang Filipino, nakikilala tayo ng mga dayuhan dahil sa ating wikang ginagamit
at kadugtong nito ang mga kultura nating mga Pilipino na talaga namang
nagpapatunay ng ating pagkakakilanlan bilang mga mamamayan ng ating bansa.
Dapat lamang na huwag ikahiya at ipagbunyi ang ating wika at kultura dahil sila
ang simbolo ng ating pagka-Pilipino. Mahalin ang Pilipinas at matuto tayong
tangkilikin ang sariling atin.
-Trisha Andrei DaƱas