Tuesday, September 5, 2017

Sariling Kultura at Wika ay ating pagyamanin sapagkat ito ang sagisag ng pagiging Pilipino natin


Sinasabi nila na hindi kailanman maaring paghiwalayin ang wika at kultura. Ang dalawang ito ang basehan ng ating pagkakakilanlan bilang isang Pilipino o kung saan pa mang lahi tayo nagmula. Kung wala ang wika natin, wala rin namang kultura ang lalaganap sapagkat wika ang nagsisilbing instrumento upang makagawa ng isang maayos na komunikasyon, isang maayos na obra maestra sa sining, panitikan at iba pa. Pinagbubuklod buklod ng wika ang lahat ng tao para mabigyang halaga o ipagpatuloy ang iba't ibang kultura natin. Ang dapat nating gawin ay payabungin natin ito at pagyamanin, ito ang magiging isang magandang pananggalang natin sa araw-araw. Hindi mahalaga kung saan pa tayo nagmula, ang pinakamahalaga ay kung paano natin pahalagahan ang ating kultura at wika.

-Erica Gwyn Rubio

"Sinasalamin ng wika ang kultura ng isang lahi." Sa pamamagitan ng wika ay natutukoy natin ang kultura ng mga tao na naninirahan sa isang lugar. Bilang isang Pilipino na naninirahan sa Pilipinas, ang ating wikang Filipino ang nagbibigay depenisyon sa mga kulturang Pilipino. Dahil sa wikang Filipino, nakikilala tayo ng mga dayuhan dahil sa ating wikang ginagamit at kadugtong nito ang mga kultura nating mga Pilipino na talaga namang nagpapatunay ng ating pagkakakilanlan bilang mga mamamayan ng ating bansa. Dapat lamang na huwag ikahiya at ipagbunyi ang ating wika at kultura dahil sila ang simbolo ng ating pagka-Pilipino. Mahalin ang Pilipinas at matuto tayong tangkilikin ang sariling atin.

-Trisha Andrei DaƱas


1 comment:

  1. Laking tulong itong nalalaman ko sa aking aralin at dahil dito lubos kung naunawaan ang kahalagahan anng pagiging pagiging Pilipino na karapat -dapat mahalin at pahalagahan ang sariling atin sapagkat ito ang ating lahing pinagmulan.

    ReplyDelete